Ano Ang Timeline Sa Kasaysayan Ng Karapatang Pantao?
Ano ang timeline sa kasaysayan ng karapatang pantao?
Noong unang panahon masasabi na walang karapatang pantao ang bawat nilalang. Pero sa paglipas ng panahon nagkaroon ng ebolusyon sa pagkakaroon ng karapatang pantao. Mas nabibigyan ng pribilehiyo noon ang mga mayayaman. Pero ngayon mahirap man o mayaman sila ay may pantay na karapatang tinatamasa. Ang Kodigo ng Hammurabi (1780 BC) ay ginawa para maparasuhan yaong lumalabag sa batas o patakaran. Nagpokus ito sa kapinsalaan ng ari arian, pagnanakaw at karapatan ng ibat ibang uri. Hanggang sa noong 1945, ang United Nations ay nagkaroon ng kumperensya para sa mapigil ang digmaan at maitaguyod ang kapayapaan sa bawat bansa. At nung 1948 nagkaroon ng Universal Declaration of Human Rights na kung saan sinasabi sa Article 1 na "all human beings are born free and equal in dignity and rights.
Comments
Post a Comment